Ilang taon na ang nakakalipas nang magkaroon ang dalawang kapamilya ko ng malalang sakit. Naging mahirap para sa akin ang pag-aalala kung ano ang mangyayari sa kanila. Lagi kong tinatanong ang mga doktor kung ano na ang mangyayari sa kanila. Pero sa halip sagutin kami, sinasabi lang nila na maghintay kami sa resulta.
Napakahirap maghintay sa bagay na walang katiyakan. Lagi ka kasing magiisip kung ano na ang mangyayari. Iniisip ko kung magkakasama pa ba kami ng ilang linggo, buwan at ilang taon bago sila mamatay? Lahat naman tayo mamamatay. Kaya, anuman ang ating sakit o sinabi man sa atin na may taning na tayo, tanggapin natin ito kaysa sa laging isipin.
Habang iniisip ko ang tungkol sa kamatayan, naalala ko ang panalangin ni Moises na binanggit sa Lumang Tipan. Sinabi sa Awit 90 na ang ating buhay ay parang damo na natutuyo at nalalanta (TAL. 5-6). Pero, mayroon naman tayong tahanan at walang hanggan nating makakasama ang Dios doon (TAL. 1). Tulad sa panalangin ni Moises, maaari nating idalangin sa Dios na “Ipaunawa sa [atin] na ang buhay ay maiksi lang, upang matuto [tayong] mamuhay nang may karunungan” (TAL. 12 ASD). Idalangin din natin na maging kapaki-pakinabang ang ating buhay habang pinaglilingkuran natin ang Dios (TAL. 17). Higit sa lahat, ipinapaalala sa atin ng Salita ng Dios na ang ating pag-asa ay hindi sa kung ano sasabihin ng doktor kundi sa Dios na walang kamatayan at nagbibigay sa atin ng buhay.