Sinabi ni Samuel Foss sa kanyang ginawang tula, “Hayaan mo akong mabuhay sa tabi ng daan at maging kaibigan ng sinuman.” Iyon din naman ang gusto ko, ang maging kaibigan ang lahat. Nais kong palakasin ang loob ng mga taong nanghihina. Ipakita ang aking pagmamalasakit sa mga taong nasasaktan at mga dumaranas ng mabibigat na problema. Alam ko naman na hindi ko maayos ang kanilang problema pero ang mapasigla sila ng mga salitang nakapagbibigay ng pag-asa ay tiyak na may epekto sa buhay nila.
Pinalakas din ni Haring Melkizedek ang loob ni Abram sa pamamagitan ng mga sinabi niyang nakapagbibigay ng pag-asa at sigla (GENESIS 14). Ang pagsasabi ng makakapagpalakas ng loob sa iba ay higit na mainam kaysa sa pagkutya. Pinagpapala naman natin ang ibang tao kung naipapakilala natin sila sa Dios na siyang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala nating natatanggap. Binasbasan naman ni Haring Melkizedek si Abram sa pagsasabi, “Nawaʼy pagpalain ka Abram ng Kataas-taasang Dios na lumikha ng langit at mundo” (TAL. 19 ASD).
Mapagpapala rin naman ang iba sa pamamagitan ng pananalangin natin sa kanila. Ipahayag natin sa kanila na makakalapit sila sa maawaing Dios na laging handang tumulong (HEBREO 4:16). Wala man tayong magagawa para mabago ang kalagayan ng iba, pero masasabi naman natin sa kanila na kaya ng Dios na baguhin ang kalagayan nila. Iyan ang ginagawa ng isang tunay na kaibigan, ipinapahayag sa kanyang kaibigan na kailangan nilang magtiwala sa Dios.