Nang mga bata pa ang mga anak ko, madalas silang naglalaro sa maputik naming hardin. Kaya naman, inaalis ko agad ang mga damit nila bago sila pumasok sa aming bahay. Pagkatapos, pinaliliguan ko sila. Sasabunin at hihiluran para luminis ang madudumi nilang katawan.
Sa pangitain na ipinakita ng Dios sa propetang si Zacarias, nakita niya ang punong paring si Josue na nakasuot ng maruming damit (ZACARIAS 3:3). Sinisimbolo ng marumi niyang damit ang mga kasalanan niyang nagawa. Pero nilinis siya ng Dios, inalis ang kanyang maruming damit at binihisan ng bagong damit (TAL. 5). Sinisimbolo naman ng bago at malinis niyang damit ang paglilinis ng Dios sa kanyang mga kasalanan.
Magiging malinis din naman tayo sa ating mga kasalanan kung magtitiwala tayo kay Jesus. Inialay Niya ang Kanyang buhay sa krus, sa gayon ang lahat ng magtitiwala sa Kanya ay magkakaroon ng kaligtasan sa kaparusahan sa kasalanan. Nilinis na sila sa kanilang kasalanan na parang putik na nakadikit sa kanilang katawan. Hindi na rin tayo ituturing ng Dios na mga makasalanan o tatawaging mga sinungaling, magnanakaw, maiinggitin atbp. Sa halip, tatawagin na tayong mga anak ng Dios na mga iniligtas, nilinis at mga binago ang buhay.
Idalangin natin sa Dios na linisin Niya tayo sa ating mga kasalanan na parang maruming damit na nakasuot sa atin. Hilingin natin sa Dios na bigyan Niya tayo ng bagong buhay na parang sinuotan Niya tayo ng bagong damit na Kanyang inihanda para sa atin.