May mga nagsasabi na lahat daw ng tao ay may kamukha. Mga taong hindi naman kilala pero kamukha o katulad ng ating ugali at mga gawi.
Nakakatuwang isipin na isang sikat na mangaawit na si James Taylor ang kamukha ko. Minsan, dumalo ako sa pagtatanghal niya. Nagulat ako sa maraming taong bumati sa akin. Gayon pa man, hindi ako magaling kumanta at maggitara. Nagkataon lang talaga na magkamukha kami.
Sino ba ang kamukha mo? Habang pinag-iisipan mo ang mga tanong na iyan, pagbulayan mo ang sinabi ni apostol Pablo sa mga taga Corinto. Sinabi niya na unti-unti tayong binabago ng Dios hanggang sa maging katulad na natin si Jesus (2 CORINTO 3:18). Sa ating pagnanais na maluwalhati si Jesus, ang pinakanaisin natin ay ang maging katulad Niya. Hindi ibig sabihin ni Pablo na kailangan nating magpatubo ng balbas o magsuot ng sandalyas tulad ni Jesus. Ang nais niyang iparating ay tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na makita sa ating pamumuhay ang mga katangian ni Jesus. Tularan natin si Jesus at mamuhay tayo tulad Niya na may kababaang-loob, mapagmahal at puno ng kahabagan.
Ituon natin ang ating isipan sa kaluwalhatian ni Jesus. Sa gayon, makakapamuhay tayo na nagiging katulad Niya kung paano Siya namuhay. Isang kahanga-hangang pangyayari na sasabihin ng mga taong nasa paligid natin na, “Nakikita ko si Jesus sa buhay mo.”