Namamangha ako sa mga guwardiya na matikas na nakatayo habang nagbabantay sa Arlington National Cemetery. Libingan iyon ng mga sundalo na nagsakripisyo ng kanilang buhay noong panahon ng digmaan. Walang nakakalaam ng pangalan ng mga sundalong nakalibing doon tanging ang Dios lang. Matiyaga ang mga guwardiya na nagbabantay doon arawaraw at kahit masama ang panahon.
Minsan, nagkaroon ng malakas na bagyo sa lugar na iyon at sinabihan ang mga guwardiya na puwede silang sumilong. Pero wala man lang ni isa sa kanila ang sumilong at patuloy pa rin sila sa kanilang pagbabantay. Hindi nila inisip ang sariling kapakanan. Sa halip, nais nilang parangalan ang mga kapwa nila sundalo kahit malakas ang bagyo.
Naniniwala naman ako na nais ituro ni Jesus sa mga nagtitiwala sa Kanya na mamuhay tayo ng hindi iniisip ang sariling kapakanan (MATEO 6:1-6). Hinihikayat tayo ng Biblia na mamuhay nang may kabanalan at gumawa ng kabutihan. Pero ginagawa natin ang mga ito dahil nais nating sumunod at sambahin ang Dios (TAL. 4-6). At hindi natin ito ginagawa para sa sariling kapakinabangan (TAL. 2). Nagsusumamo naman sa atin si Pablo na apostol ni Jesus na gawin nating isang buhay na handog sa Dios ang ating mga sarili (ROMA 12:1).
Makita nawa ng iba ang ating tapat at buong pusong paglilingkod sa Dios. Nakikita man ito ng iba o hindi.