Ikinuwento ko sa aking kasama ang nangyayari sa isa kong kaibigan. Sinabi ko sa kanya na nagkakasala ang kaibigan ko at naaapektuhan sa ginagawa niya. Kaya, sinabi niya na idalangin namin ang isa’t isa. Nagulat naman ako dahil bakit kailangang kasama kami sa idadalangin.
Dahil tulad nga raw ng madalas kong sabihin sa kanya, si Jesus lang ang may kakayahan para gawin tayong banal. Kaya, hindi dapat ikumpara ang nagagawa nating kasalanan sa nagagawang kasalanan ng iba.
Tama naman ang sinabi ng kasama kong manalangin. Ang pagiging mapanghusga ko at mapagmapuri sa sarili ay parehas lang na kasalanan sa nagawa ng aking kaibigan.
Sinabi pa niya na tsismis ang ginagawa naming pagkuwentuhan ang aking kaibigan na wala doon. Kaya naman sinabi ko sa kanya na nagkakasala nga tayo. Yumuko ako at nanalangin kami.
Sa Bagong Tipan naman ng Biblia, nagkuwento si Jesus tungkol sa dalawang taong nanalangin sa magkaibang paraan (9-4). Tulad ng isang Pariseo, maaari namang ikinukumpara natin ang ating sarili sa iba. Ipinagmamapuri natin ang sarili at namumuhay na parang may karapatan tayong husgahan ang ibang tao.
Pero kung makakasalubong natin ang Panginoong Jesus, tulad ng isang maniningil ng buwis noon, malamang maiisip natin ang malaking kahabagan na ating kinakailangan (TAL. 13). Kapag naranasan natin ang pagmamalasakit at pagpapatawad ni Jesus, magagawa rin nating pakitaan ng kahabagan ang iba kaysa sa husgahan sila.