Hindi ko na kayang magtiwala sa iba. Ito ang mga sinabi ng kaibigan ko habang umiiyak siya. Nasasaktan lang daw siya sa tuwing nagtitiwala. Ikinuwento niya sa akin ang nangyari sa kanila ng kanyang kasintahan. Lubos niyang pinagkatiwalaan ang kanyang kasintahan pero matapos nilang maghiwalay, nagkalat pa ito ng tsismis. Sobrang nahihirapan ang kaibigan ko na magtiwala muli. Ang ganitong panloloko ang nagpapatunay na mahirap talagang magtiwala sa tao.
Nahihirapan akong payuhan ang aking kaibigan. At hindi ko rin masabi sa kanya na mali siya sa pagsasabi na mahirap makahanap ng mapagkakatiwalaan at taong mababait.
Marami namang sinabi sa Biblia tungkol sa ating pagkatao. Ipinahayag ng sumulat ng Kawikaan 20:6 ang naranasang sakit ng aking kaibigan nang lokohin siya.
Maaaring makaapekto sa atin ang pananakit ng iba. At kahit nananatili ang sakit na bunga ng masasamang ginawa sa atin, ipinapadama naman ni Jesus sa atin ang tunay na pagmamahal. Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na malalaman ng mga tao na mga tagasunod sila ni Jesus kung ipinapadama nila ang kanilang pag-ibig sa iba (JUAN 13:35). Sa mga panahon na nasaktan tayo ng iba, may tao namang darating para ipadama sa atin ang pagmamahal, pagmamalasakit at pagtulong ni Jesus. Mapagkkatiwalaan natin si Jesus. Kaya naman, magagawa Niyang pawiin ang sakit na ating nararamdaman at bibigyan Niya tayo muli ng kakayahan na muling magmahal at magtiwala sa iba.