Nagkuwento ang isang matanda sa kanyang apo. Nabuhay raw ang matanda sa panahon na hindi pa maunlad ang teknolohiya. Pagkatapos magkuwento ng matanda, nasabi nito na napakaiksi lang ng buhay.
Maiksi lang talaga ang buhay. Kaya naman marami ang nagtitiwala kay Jesus dahil sa buhay na walang hanggan. Hindi masamang naisin iyon. Pero kung nagtitiwala tayo kay Jesus dahil lang sa buhay na walang hanggan baka hindi natin lubos na nauunawaan ang pagkakaroon ng buhay na walang hanggan. Maiksi lang ang buhay. Kaya naman lagi tayong nag-iisip kung ano ang mas makakabuti sa atin. Naghahangad tayo na sana tapos na tayo ng pag-aaral. Sana may maganda akong trabaho at smay asawa na.
Mayroon nang buhay na walang hanggan ang lahat ng mga magtitiwala kay Jesus. Sinabi ni Pablo na apostol ni Jesus, “Sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, pinalaya na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na nagbibigay-buhay” (ROMA 8:2 ASD). Sinabi pa ni Pablo, “Ang taong namumuhay ayon sa Banal na Espiritu ay walang ibang iniisip kundi ang nais ng Banal na Espiritu” (TAL. 5 ASD). Ibig sabihin, nagbabago ang ating mga ninanais kapag ipinagkakatiwala natin ito kay Jesus. Dahil “ang kahihinatnan ng pagsunod sa nais ng Banal na Espiritu ay kapayapaan at buhay na walang hanggan” (TAL. 6 ASD).
Kung nabubuhay tayo para kay Jesus, malulugod tayong mabuhay ngayon at sa walang hanggan.