May sikat na librong pambata. Sa librong ito, kailangan mong hanapin sa bawat pahina ng libro ang karakter ni si Waldo. Nagtatago siya sa mga larawan na may iba’t ibang pangyayari. Masaya ang mga bata kapag nahanap nila si Waldo. Masaya rin naman ang mga magulang kapag humihingi ng tulong ang kanilang anak para hanapin si Waldo.
Hinanap naman ng mga taong hindi naniniwala kay Jesus ang mga sumasampalataya sa Panginoong Jesus para patayin. Nangyari iyon matapos patayin si Esteban na nagtitiwala kay Jesus. Kaya naman tumakas ang maraming mananampalataya mula sa bayan ng Jerusalem (TINGNAN ANG GAWA 7). Si Felipe na isa ring sumasampalataya kay Jesus ay tumakas papuntang Samaria.
Sa lugar na iyon, ipinahayag niya ang tungkol sa magandang balita at marami ang nagtiwala sa Panginoong Jesus (GAWA 8:6). Habang nandoon sa Samaria, dinala siya ng Banal na Espiritu sa isang liblib na lugar para tulungan ang isang opisyal. Tinulungan naman siya ni Felipe sa kanyang paghahanap ng sagot kung sino ang tinutukoy sa Aklat ni Isaias. Ipinaalam ni Felipe na si Jesus ang tinutukoy doon (TAL. 26-40).
Gayon din naman, laging may pagkakataon ang mga mananampalataya na matulungan ang iba na mahanap nila si Jesus sa Biblia. Sa gayon, magtitiwala sila kay Jesus at mas makilala pa nila. Lagi nawa tayong maging handa para ipahayag si Jesus sa iba, kakilala man natin o minsan lang natin nakasalamuha.