Minsan, maraming taon na ang lumipas nang tanungin ako ng aking anak kung bakit nakalutang ang mga ulap sa himpapawid. Handa na akong sumagot sa kanya para sabihin ang nasa isip ko pero sinabi kong hindi ko alam. Sinabi ko pa na aalamin ko kung bakit.
Nalaman ko ang sagot kung bakit iyon nangyari ayon sa paliwanag ng ilang dalubhasa. Ang ulap daw ay mga naipon na singaw sa himpapawid mula sa lupa dahil sa mainit na panahon. Iyan ang natural na pagpapaliwanag nila.
Pero hindi naman iyan ang pinakatumpak na sagot. Lumulutang ang ulap sa himpapawid dahil ito ang nais ng Dios na mangyari ayon sa Kanyang karunungan para maipahayag ang Kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan nito (JOB 37:16). Ipinapahayag pa ng mga ulap ang kabutihan at kagandahang-loob ng Dios sa Kanyang mga nilikha.
Kaya naman, sa tuwing pinagmamasdan mo ang mga ulap, alalahanin mo ang Dios na siyang dakilang Manlilikha ang siyang nagpalutang nito sa himpapawid. Ginawa ng Dios ang mga ulap nang sa gayon mamangha tayo at sambahin natin Siya. Ang buong sangkalangitan at maging ang iba’t ibang anyo ng ulap ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios.