Nagsulat ang kaibigan ko at ang asawa niya para sa kanilang mga anak, mga apo at sa mga kaapu-apuhan nila. Mahigit nang 90-taong gulang ang kaibigan ko at 66 taon na silang kasal. Tungkol ang sulat sa mga mahahalagang bagay na natutunan nila sa buhay. May sinabi sa sulat na naging daan para alalahanin ko ang mga ginagawa ko noon.
Sinabi sa sulat, “Kung pakiramdam mo na pagod ka na at nauubusan na nang lakas sa iyong paglilingkod sa Dios, malamang naglilingkod ka para sa relihiyon na iyong kinabibilangan at hindi para lalong maging malapit kay Jesus. Dahil kung namumuhay at naglilingkod ka sa Panginoon, hindi ka manghihina. Sa halip lalakas ka, sisigla at punong-puno ng buhay” (MATEO 11:28-29).
Isinalin naman ng isang dalubhasa sa Biblia sa ibang paraan ang sinabi sa Mateo 11:28-29. “Napapagod o nanghihina ka na ba? Lumapit ka at sa Akin ka maglingkod... Ipapadama Ko ang Aking kagandahangloob.”
Sa tuwing naiisip ko na ako ang bahala kung paano ako maglilingkod sa Dios, iyon ang panahon na parang nagtatrabaho na lang ako para sa Dios sa halip na lumalakad ako kasama Siya. May pagkakaiba doon, dahil kung naglilingkod tayo na hindi kasama si Jesus, manghihina tayo at mapapagod.
Kapag nararamdaman natin na naglilingkod tayo para sa kapulungan ng mga nagtitiwala kay Jesus at hindi na para lalong maging malapit ang relasyon natin kay Jesus, huminto muna tayo sa ating paglilingkod. Muling alalahanin ang kagandahang-loob ni Jesus sa atin at lumakad tayong kasama Siya.