Malaki ang nagagawa ng pagpapalakasan ng loob ng mga empleyado sa isang kumpanya. Kung maayos ang pakikipag-usap ng mga empleyado sa isa’t isa, mas nasisiyahan ang mga kliyente nila at mas malaki ang kinikita ng kumpanya.
Natutunan naman ni apostol Pablo mula sa kanyang mga karanasan ang halaga ng mga salitang binibitawan. Noong hindi pa siya sumasampalataya kay Jesus, nasisindak ang mga mananampalataya sa pananalita ni Pablo. Pero dahil sa pagkilos ng Dios sa puso niya, naging tagapagpalakas siya ng loob ng mga mananampalataya. Nagawa niya ito sa mga taga Tesalonica sa pamamagitan ng pagsusulat sa kanila. Hinikayat niya rin sila na palakasin ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng kanyang halimbawa. Ipinakita niya kung paano patibayin ang kanilang loob at nakita sa buhay niya ang pagkilos ng Banal na Espiritu.
Ipinaalala ni Pablo sa kanyang mga mambabasa kung saan nagmumula ang pagkakaroon ng kakayahang makapagpalakas ng loob. Natutunan niya na kung ipagkakatiwala ang buhay natin sa Dios na nagmahal sa atin ng lubos at namatay para sa atin, magagawa nating palakasin ang loob, patawarin at patibayin ang isa’t isa (1 TESALONICA 5:10-11).
Ipinapakita sa atin ni Pablo na ang pagpapalakas ng loob sa iba ay isa ring paraan upang matulungan ang iba na maranasan ang kabutihan ng Dios.