Puputulin ko na sana ang tanim kong puting rosas. Sa tatlong taong paninirahan ko sa aming bahay, hindi ito masyadong namulaklak at hindi rin maganda ang pagkalat ng mga sanga nito sa aming bakuran.
Pero dahil masyado akong abala, hindi ko naituloy ang pagputol dito. Pagkaraan ng ilang linggo, nagulat ako nang mamulaklak ito ng marami. Napakaganda at napakabango ng mga bulaklak. Pinaganda nito ngayon ang aming bakuran.
Dahil sa muling pamumulaklak ng tanim kong rosas, naalala ko ang ikinuwento ni Jesus tungkol sa puno ng igos na mababasa sa Lucas 13:6-9. Kaugalian na sa bansang Israel na bigyan lang ng tatlong taon ang mga puno ng igos para mamunga. Kung hindi ito mamumunga sa loob ng tatlong taon, puputulin na nila ito para mapakinabangan pa ang lupa. Sa kuwento ni Jesus nakiusap ang hardinero na bigyan pa ng isang taong palugit ang puno ng igos bago putulin. Makikita natin sa kuwentong iyon na tulad ng puno ng igos na hindi namumunga, ang mga Israelitang namumuhay nang hindi ayon sa nais ng Dios ay nararapat lamang na parusahan ng Dios (TAL. 1-5). Pero binigyan sila ng Dios ng palugit. Nagpapaumanhin ang Dios, binigyan Niya pa sila ng pagkakataong manumbalik sa Kanya upang kanyang patawarin at tumatag sa pananampalataya.
Binibigyan ng Dios ng pagkakataon ang lahat ng tao na manumbalik sa Kanya at tumatag sa kanilang pananampalataya. Isa itong pagpapala para sa ating lahat.