Pinalaki kami ng kapatid ko para maging mabuting tao. Sa Jamaica kung saan kami nakatira noon, ang ibig sabihin ng mabuti ay ang pagiging masunurin sa magulang, pagsasabi ng totoo, pagsisimba, pagiging matagumpay sa eskwela at sa trabaho. Naisip ko na ganito ang pananaw ng maraming tao, anuman ang kultura nila.

Sa katunayan, binanggit ni apostol Pablo sa Filipos 3 ang paniniwala sa kanilang kultura tungkol sa pagiging mabuti para maipaliwanag ang gusto niyang iparating.

Sumusunod si Pablo sa mga seremonya ng kanilang kultura at sa relihiyon ng mga Judio. Dahil dito, maituturing siyang mabuting tao. Sa Filipos 3:4, sinabi ni Pablo na kung gugustuhin niya lang, maaari niyang ipagmalaki ang kanyang pagiging mabuti. Pero sinabi niya na may hihigit pa sa pagiging mabuti. Alam niya na mabuti ang pagiging mabuti, ang pagsunod sa nais ng Dios ang mas higit sa pagiging mabuti.

Sinasabi rin ni Pablo sa talatang 7-8 na dapat nating kilalanin si Jesus kung gusto natin Siyang malugod at magawa ang nais Niya. Itinuring ni Pablo na basura lamang ang sarili niyang kabutihan kung ikukumpara sa pagkakakilala niya kay Jesus (TAL. 8 asd). Tayo ay mabuti kung mabibigyang lugod natin ang Dios at kung sa Kanya lamang natin ilalagak ang ating pag-asa at pananampalataya sa halip na sa sarili nating kabutihan.