Paborito ng apo kong si Moriah ang awiting pang martsa na isinulat ng kompositor na si John Philip Sousa noong ika-19 na siglo.
Gustong gusto ito ng apo ko dahil napakasaya ng tono nito. Madalas namin itong sabayan sa tuwing nagkakasayahan kami ng aming pamilya. Nagpapalakpakan at nagkakaingay kami. Ang mga bata nama’y sumasayaw habang pinapatugtog ito.
Ipinapaalala sa akin ng aming maingay na kasiyahan ang Awit 100 na humihikayat sa atin na lumapit sa Dios na umaawit sa tuwa (TAL. 2). Nang italaga naman ni Haring Solomon ang templo para sa Dios, nagdiwang ang mga Israelita at umawit ng papuri sa Dios (2 CRONICA 7:5-6).
Marahil, isa sa mga inawit nila ang Awit 100. Sinasabi roon, “Kayong mga tao sa buong mundo, sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon! Paglingkuran Ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa Kanya na umaawit sa tuwa… Pumasok kayo sa Kanyang templo nang may pagpapasalamat at pagpupuri. Magpasalamat kayo at magpuri sa Kanya” (TAL. 1-2,4 ASD). Bakit sila nagpasalamat at nagpuri? “Dahil mabuti ang Panginoon; ang pag-ibig Niya’y walang hanggan, at ang Kanyang katapatan ay magpakailanman!” (TAL. 5 ASD).