Nakatanggap ng tansong medalya si Beckie Scott noong 2002 sa isang paligsahang ginanap sa Amerika. Pero dahil napatunayang gumamit ng bawal na gamot ang mga nanalo ng una at ikalawang pwesto, si Beckie ang karapat-dapat na maging kampeon. Noong 2004, ibinigay sa kanya ang gintong medalya.
Naibigay man kay Beckie ang gintong medalya, hindi na maibabalik ang pagkakataong maparangalan siya sa ibang bansa habang tinutugtog ang kanilang pambansang awit. Hindi na mababawi pa ang di-makatarungang nangyari sa kanya.
Nababagabag tayo sa iba’t ibang uri ng kawalan ng hustisya. Isa na rito ang kuwento ng magkapatid na Cain at Abel (GEN. 4:8). Parang hindi naparusahan si Cain sa pagpatay kay Abel dahil nagkapamilya’t nabuhay pa siya ng matagal. Nakapagtayo rin siya ng isang lungsod (TAL. 17).
Pero sinabihan ng Dios si Cain, “Ang dugo ng kapatid moʼy parang tinig na nagmamakaawa na parusahan ko ang taong pumatay sa kanya” (TAL. 10 ASD). Isinulat naman sa Bagong Tipan na si Cain ay isang masamang halimbawa (1 JUAN 3:12; JUDAS 1:11). Samantala, ito naman ang mababasa tungkol kay Abel, “Kaya kahit patay na si Abel, may itinuturo pa rin siya sa atin sa pamamagitan ng pananampalataya niya” (HEBREO 11:4 ASD).
Mahalaga sa Dios ang katarungan. Sa huli, hindi makakaligtas sa parusa ang anumang kasamaang ginawa ng isang tao. Gagantimpalaan naman ng Dios ang anumang ginawa para sa Dios dahil sa pananampalataya.