Makikita ang “The Devil’s Footprint” o bakas ng paa ng diyablo sa isang lugar malapit sa isang simbahan sa Massachusetts. Ayon sa alamat, napatalon ang diyablo mula sa kampana ng simbahan at nahulog sa batuhan dahil sa tindi ng pangangaral ni George Whitefield noong 1740. Sa pagbagsak ng diyablo, nagiwan ng bakas ang kanyang paa sa batuhan.
Kahit na isa lamang itong alamat, ipinapaalala nito sa atin ang isang mahalagang katotohanan mula sa Salita ng Dios. Sinasabi sa Santiago 4:7, “Kaya magpasakop kayo sa Dios. Labanan nʼyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo” (ASD).
Binigyan tayo ng Dios ng lakas na kailangan natin upang labanan ang diyablo at ang mga tuksong umaakit sa atin. Sinasabi sa atin ng Biblia na, “hindi na dapat maghari pa sa inyo ang kasalanan” (ROMA 6:14 ASD) dahil sa kagandahang loob ng Dios sa atin sa pamamagitan ni Jesus. Kung hihingi tayo ng tulong kay Jesus sa tuwing natutukso tayo, bibigyan Niya tayo ng lakas para mapagtagumpayan ito. Wala tayong haharapin na hindi kayang pagtagumpayan ni Jesus dahil napagtagumpayan na Niya ang mundo (JUAN 16:33).
Tutulungan tayo ng Panginoong Jesus kung magpapasakop at susunod tayo sa nais Niya. Mapagtatagumpayan natin ang mga tukso kung sa Kanya tayo nakatuon at hindi tayo magpapadala sa mga tukso.