Nakakamangha ang kalawakan. Umiikot ang buwan ng 2,300 milya kada oras. Umiikot naman ang mundo sa paligid ng araw ng 66,000 milya kada oras. Ang ating araw ay isa lang sa 200 bilyong bituin. Trilyon naman ang bilang ng iba pang mga planeta.
Parang maliit na bato lamang ang ating mundo at maliliit na butil naman ng buhangin ang mga tao sa kalawakan. Pero ayon sa Biblia, kahit gaano tayo kaliit, kilala tayo ng Dios. Alam Niya ang bawat detalye ng ating katawan at pagkatao. Nakita Niya tayo bago pa tayo isilang (AWIT 139:13-16). Pinagmamalasakitan at nauunawaan tayo ng Dios (TAL. 1-6).
Minsan mahirap itong paniwalaan. Ang napakaliit kasi nating mundo ay dumaranas ng malalaking problema. Laganap ang giyera, taggutom at paghihirap. Kaya naman, naitatanong natin kung talaga bang nagmamalasakit ang Dios. Dumanas din ng malaking problema si Haring David. Sinabi niya, “Lumayo sana sa akin ang mga mamamatay-tao! Nagsasalita sila ng masama laban sa Inyo” (AWIT 139:19-20). Labis ang pag-aalala ni David sa kanyang naranasang problema. Pero sinabi naman ni Jesus na hindi natin kailangang mag-alala dahil alam Niya ang mismong bilang ng ating mga buhok (MATEO 10:30). Sinabi iyon mismo ni Jesus para ipaalam na nagmamalasakit ang Dios. Makakatiyak tayo na totoo ang sinasabi sa Biblia na talagang nagmamalasakit sa atin ang Dios.
Makakatulong para malampasan natin ang mga mabibigat na problema ang alalahanin na kilala at pinagmamalasakitan tayo ng Dios.