“Takot na takot ako.” Ito ang isinulat sa Facebook ng isang kabataan at ipinaliwanag na ang kanyang takot ay dahil sa paghihintay niya sa resulta ng mga pagsusuring medikal na ginawa sa kanya. Nag-aalala siya habang hinihintay ang sasabihin ng mga doktor kung ano talaga ang sanhi ng kanyang sakit.
Sino sa atin ang hindi natakot noong mga panahong humarap tayo sa mga nakakatakot na sitwasyon? Kanino tayo humihingi ng tulong? May makikita ba sa Biblia na makakapagbigay sa atin ng kapanatagan at lakas ng loob sa mga ganoong sitwasyon?
Magbibigay sa atin ng pag-asa ang katotohanang tutulungan tayo ng Dios sa mga nararanasan nating problema. Sinasabi sa Isaias 41:13, “Ako ang Panginoon na iyong Dios. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita.”
Ang Dios ay nagbibigay din ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa ating puso’t isip, sa tuwing inilalapit natin sa Kanya sa panalangin ang ating mga nararanasang problema (FILIPOS 4:6-7).
Sa patuloy na pagsama sa atin ng Dios at ng Kanyang kapayapaan na hindi kayang maunawaan ng tao (TAL. 7), makakasumpong tayo ng pag-asa at tulong na kailangan natin para mapagtagumpayan ang mga nakakatakot na sitwasyon sa ating buhay.