Sikat noon ang mga pelikulang may halong awitan. Ang mga aktres na sina Audrey Hepburn, Natalie Wood, at Deborah Kerr ang kilala sa larangang iyon. Pero lingid sa kaalaman ng marami, ang boses ni Marni Nixon ang ginamit ng mga aktres sa pag-awit. Malaki man ang naibahagi ni Marni sa tagumpay ng mga pelikula, hindi siya nabigyan ng karapat-dapat na parangal.
Kadalasan naman sa paglilingkod sa Panginoon, may mga tahimik lamang na sumusuporta sa kapwa nila sumasampalataya kay Jesus. Nasuportahan si apostol Pablo sa kanyang pagmimisyon ng mga ganoong mananampalataya. Si Tercio ang tumulong kay Pablo na isulat ang kanyang liham (ROMA 16:22). Ang mga panalangin naman ni Epafras ay naging malaking tulong kay Pablo at sa mga unang mananampalataya (COL. 4:12-13). Malugod namang pinatuloy ni Lydia sa kanyang tahanan ang mga apostol (GAWA 16:15). Hindi magiging posible ang gawain ni Pablo kung wala ang pagsuporta nila (TAL. 7-18).
Hindi laging mapapansin ng tao ang ating mga ginagawa pero alam natin na nagbibigay lugod ito sa Dios dahil nagawa natin ang ating bahagi sa plano ng Dios. Kapag taos puso nating tinupad ang ating gawain (1 COR. 15:58), makikita natin na may kabuluhan ito dahil naluluwalhati natin ang Dios at nailalapit natin ang iba sa Kanya (MAT. 5:16).