Si John F. Burns ay 40 taon nang nagsusulat para sa The New York Times. Nang magretiro siya noong 2015, isinulat niya ang sinabi ng kanyang matalik na kaibigang malapit nang mamatay dahil sa kanser. “Huwag mong kalimutan, hindi mahalaga kung gaano kalayo ang narating natin sa buhay, ang mahalaga ay kung ano ang natutunan natin mula sa ating paglalakbay sa buhay."
Mababasa sa Awit 37 ang mga itinuturing na listahan ng mga natutunan ni Haring David mula sa kanyang paglalakbay sa buhay, mula sa pagiging pastol, pagiging sundalo hanggang sa pagiging hari. Makikita sa Awit na ito ang mga magkakasalungat na bagay tungkol sa masama at sa matuwid. Makikita rin dito na pinapanatag ang mga nagtitiwala sa Panginoon.
“Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Katulad ng damo, sila’y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila” (TAL. 1-2 MBB).
“Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Katulad ng damo, sila’y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila” (TAL. 1-2 MBB).
Ano ang itinuro sa atin ng Dios mula sa mga karanasan natin sa buhay? Paano Niya hinubog ang ating buhay sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig?
Higit na mahalaga ang mga natutunan natin mula sa ating paglalakbay sa buhay.