Bilang isang lifeguard, alerto ako sa pagbabantay kung may nakaambang panganib para sa mga lumalangoy. Nagbabantay ako upang matiyak ang pagiging ligtas nila mula sa anumang disgrasya. Kung bigla na lang akong umalis o hindi ako magiging alerto, maaaring may hindi magandang mangyari sa mga lumalangoy. Kung sakali naman na may nalulunod dahil hindi ito masyadong marunong lumangoy o napulikat ito, ako ang may responsibilidad na iahon siya sa tubig at sagipin sa pagkalunod.
Si Haring David naman ay parang iniahon mula sa malalim na tubig (2 SAMUEL 22:17) nang iligtas sila ng Dios sa digmaan laban sa mga Filisteo (2 SAMUEL 21:15-22). Nalagay sa panganib ang buhay ni David at ng kanyang hukbo. Iniahon naman siya ng Dios mula sa kanyang sitwasyon na para siyang nalulunod dahil sa digmaang hinaharap nila. Kung ang mga lifeguard ay binabayaran para matiyak na ligtas ang mga lumalangoy, sinagip naman ng Dios si David dahil nalulugod ang Dios sa kanya (2 SAM. 22:20). Natutuwa akong malaman na hindi lang tayo basta iniingatan at sinasagip ng Dios dahil obligado Siyang gawin ito, ginagawa Niya ito dahil gusto Niya at bukal ito sa Kanyang kalooban.
Sa tuwing para tayong nalulunod dahil sa mga problema, maaasahan natin na binabantayan tayo ng Dios. At dahil nalulugod Siya sa atin, iniingatan at sinasagip Niya tayo.