Sa isang nursing home o lugar kung saan kinukupkop ang mga matatanda, may isang matandang babae na hindi nakikipag-usap sa kahit na sino. Hindi rin siya humihingi ng kahit ano. Nandoon lamang siya sa kanyang kuwarto at nakaupo sa kanyang tumba-tumba. Madalang lang siyang magkaroon ng bisita kaya pinupuntahan siya ng isang nars tuwing libre ang oras nito. Hindi niya pinipilit na magsalita ang matanda, kumukuha lamang siya ng upuan at sinasamahan ang matanda sa pag-upo. Pagkalipas ng ilang buwan, sinabi ng matanda sa kanya, “Maraming salamat sa pag-upong kasama ko."
Bago naman bumalik si Jesus sa langit, ipinangako Niya na magsusugo Siya sa Kanyang mga alagad ng makakasama nila. Sinabi ni Jesus na hindi Niya sila iiwang mag-isa kundi isusugo Niya ang Banal na Espiritu upang manahan sa kanila (JUAN 14:17). Hindi lang para sa mga alagad ang pangakong iyon, kundi para sa lahat ng mga sumasampalataya kay Jesus. Sinabi ni Jesus na mananahan mismo sa mga mananampalataya ang Dios (TAL. 23).
Ang Dios ang siyang tapat nating kasama sa buong buhay natin. Gagabayan Niya tayo sa lahat ng mga pagdaraanan nating pagsubok, patatawarin sa ating mga kasalanan, makikinig sa ating mga panalangin at papasan sa mga problemang di natin kayang pasanin.
Masisiyahan tayo dahil alam natin na kasama natin ang Dios, palagi.