Noong 1934, nagsimula ang US Masters Golf Tournament. Sa paligsahang iyon, tatlong manlalaro pa lang ang nagkampeon ng dalawang beses. Akala ng marami, magiging pang-apat na si Jordan Spieth pero hindi iyon nangyari. Hindi naipanalo ni Jordan ang laro niya noong ika-10 ng Abril, taong 2016. Natalo siya kay Danny Willet. Pero kahit natalo siya, malugod niyang binati ang bagong kampeon.
May isinulat ang mamahayag na si Karen Krouse tungkol sa nangyaring paligsahan. Ang sabi niya, “Hindi man naging maganda ang laro ni Spieth, nag-umapaw naman ang kabutihan ng kanyang puso. Kitang kita ito sa maluwag niyang pagtanggap ng kanyang pagkatalo at sa pagiging masaya para sa kanyang nakalaban.”
Hinikayat naman ni apostol Pablo ang mga taga Colosas na maging matalino sa pakikitungo sa mga hindi nagtitiwala kay Jesus at pahalagahan ang bawat pagkakataon. Sinabi rin niya na sikapin nilang laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang kanilang pananalita at matutong sumagot nang tama sa sinumang magtatanong sa kanila (COLOSAS 4:5-6).
Tayo nawang nakatanggap ng kagandahang loob ng Dios ay matuto ring magbahagi ng kabutihan sa ating kapwa anuman ang sitwasyon natin sa buhay, nanalo man tayo o natalo.