Mahirap ilarawan ang mukha ng aking ama. Mabait siya pero kung titingnan mo siya, parang wala siyang damdamin. Noong bata pa ako, tinititigan ko ang kanyang mukha. Minamasdan ko kung nakangiti ba siya o nagpapakita ng iba pang emosyon. Masasabing ang ating mukha ang nagpapahayag kung sino tayo. Anumang ekspresyon na ginagawa ng ating mukha tulad ng pagngiti o pagsimangot ang nagpapahayag kung ano ang nararamdaman natin para sa iba.

Nais naman ng sumulat ng Awit 80 na si Asaf na makita ang mukha ng Dios. Balisa siya noon dahil nakita niyang pinabagsak ng mga taga Asiria ang bayan ng Israel. Ang pagbagsak ng kakampi nilang Israel ang posibleng maging dahilan upang bumagsak din ang Juda na kanilang bayan. Nanganganib magapi ang bayan ng Juda ng iba’t ibang bansa. Kakaunti lamang sila at mas mahina kumpara sa kanilang mga kalaban.

Nanalangin si Asaf dahil sa kanyang takot. Tatlong beses inulit ni Asaf ang sinabi niyang ito “paliwanagin mo ang Iyong mukha, upang kami ay maligtas!” (AWIT 80:3, 7, 19).

Mas makabubuti na nakatuon ang ating isip sa Panginoon kaysa sa ating mga takot. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pag-alaala sa ginawa Niya sa krus. Ito ang nagpapahayag kung sino Siya at ang ginawa Niya para sa atin (JUAN 3:16).

Kapag tumingin sa atin ang Dios, Siya ay nakangiti. Dahil doon, alam natin na ligtas tayo sa panganib.