Minsan, nakasakay na kami ng asawa ko sa aming kotse para umalis na sa aming pinaparadahan. Bago kami umalis, pinadaan muna namin ang isang babaeng nagbibisikleta. Ilang saglit lang ang nakalipas, bumangga ang babae sa pinto ng isa pang nakaparadang sasakyan. May bigla kasing nagbukas nito. Bumagsak ang babae at nagdugo ang kanyang binti.
Naisip naming mag-asawa, “Kung hindi na lang sana namin pinauna ang babae o kung mas naging maingat lang sana ang lalaki sa pagbukas ng pinto, hindi sana nadisgrasya ang babae.” Kapag may nangyayaring hindi maganda, lagi nating iniisip kung ano kaya ang mangyayari kung iba sana ang ginawa natin.
Nag-aalinlangan naman tayo sa kabutihan ng Dios kapag may dumarating na mga hindi inaasahang problema. Maaaring maramdaman natin ang naramdaman nila Maria at Marta nang mamatay ang kanilang kapatid na si Lazaro. Naisip nila na kung pinuntahan lang sana agad ni Jesus si Lazaro nang malaman Niya na may sakit ito, hindi na sana ito namatay (JUAN 11:21, 32).
Tulad nina Maria at Marta, maaaring hindi natin palaging naiintindihan kung bakit may mga hindi magandang nangyayari sa ating buhay. Pero nagiging kapanatagan para sa atin ang malaman na pinahihintulutan ng Dios na mangyari ang mga iyon dahil may mabuti Siyang layunin. Tandaan natin na maaari tayong magtiwala sa tapat at mapagmahal na Dios sa anumang sitwasyon.