Kapag ang pag-uusapan ay tungkol sa proteksiyon, hindi ko kaagad maiisip ang balahibo ng mga ibon. Hindi kasi ito gaanong nakapagbibigay ng proteksiyon sa mga ibon. Pero kahit ganoon, may mga bagay tungkol sa balahibo ng ibon ang hindi natin napapansin.
Ang balahibo ng ibon ay isang halimbawa ng kahangahangang disenyo ng Dios. Nahahati ito sa makinis at mahimulmol na bahagi. Ang mahimulmol na bahagi ang ginagamit ng ibon para sila’y mainitan. Pareho namang nagbibigay ng proteksiyon mula sa hangin at ulan ang mga bahagi ng balahibo. Pero sa mga inakay o sa maliliit pang ibon na hindi pa masyadong matibay ang pakpak, nilulukuban ang mga ito ng pakpak ng kanilang ina para bigyan sila ng proteksiyon.
Mababasa naman natin sa Awit 91:4 at sa iba pang mga talata sa Biblia (TINGNAN ANG AWIT 17:8) na iingatan tayo ng Dios tulad ng pag-iingat ng ibon sa kanyang mga inakay sa lilim ng kanyang pakpak. Ang Dios ay tulad ng isang magulang na handang lumingap sa kanilang mga anak kapag sila’y natatakot o nasasaktan. Ang Dios ang nagbibigay sa atin ng proteksiyon at kanlungan sa mga panahong binabagyo tayo ng mga problema.
Kahit na dumaranas tayo ng mga problema, kaya nating harapin ang mga ito kung sa Dios tayo nakatingin. Siya ang ating kanlungan (91:2, 4, 9).