Nasa 64 milyon na ang bilang ng mga refugee sa buong mundo ngayon. Sila ang mga napilitang iwan ang kanilang mga bansa dahil sa matinding pag-uusig. Hinikayat ng isang organisasyon ang mga lider ng iba’t ibang bansa na patuloy na tumanggap ng mga refugees. Sa gayon, magkakaroon ng magandang edukasyon ang bawat bata, mabibigyan ng maayos na trabaho ang mga nakatatanda at magkakaroon ng tahanan ang bawat pamilya.
Dahil sa pangarap ng organisasyon na mabigyan ng mga tahanan ang mga refugee, naalala ko ang pangako ng Dios sa bayan ng Juda noong pinagbabantaan sila ng mga taga Asiria. Inutusan ng Dios si propeta Mikas na sabihan ang mga tao na mawawala ang templo at ang pinakamamahal nilang lungsod na Jerusalem. Pero kahit ganoon, pinangakuan rin naman sila ng Dios na may magandang mangyayari sa hinaharap.
Sabi ni Mikas, darating ang araw na tatawagin ng Dios ang lahat ng tao. Sa panahong iyon, wala nang karahasan. Ang mga ginagamit nila sa digmaan ay gagamitin sa pagsasaka, at magkakaroon ng mapayapang tahanan at masaganang buhay sa kaharian ng Dios ang lahat ng nagtiwala sa Kanya (MIKAS 4:3-4).
Para sa marami sa atin, nananatili pa ring pangarap ang pagkakaroon ng isang mapayapang tahanan. Pero sa kabila noon, makakaasa tayong tutuparin ng Dios ang ipinangako Niyang tahanan para sa lahat ng mga nagtitiwala sa Kanya.