Nagtatrabaho ang kaibigan kong si Jaime sa isang malaking kumpanya. Noong bago pa lang siya roon, kinausap siya ng isang lalaki at kinamusta. Tinanong niya si Jaime kung ano ang trabaho niya. Pagkatapos sumagot ni Jaime, siya naman ang nagtanong, “Anong pangalan mo?” “Rich,” tugon ng lalaki. “Ano naman ang trabaho mo rito sa kumpanya, Rich?” tanong ni Jaime. Sumagot naman si Rich, “Ako ang may-ari.”
Hindi akalain ni Jaime na kakausapin siya ng mismong may-ari ng kumpanya. Nabigla siya dahil nakausap niya ang isa sa pinakamayaman sa mundo.
Sa panahon ngayon, masyadong iniaangat ng mga tao ang sarili nila. Nagsisilbing paalala ang pag-uusap nila Jaime sa sinabi ni apostol Pablo sa mga taga Filipos. [Sinabi niya, “Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili” (FILIPOS 2:3 ASD). Ang mga taong pinapahalagahan ang ibang tao nang higit kaysa sa kanilang sarili ang tinutukoy ni Pablo rito].
Sa tuwing ginagawa natin ito, ipinapakita natin ang pagpapakumbaba ni Jesus (FILIPOS 2:3). Matutulad tayo kay Jesus na naparito sa mundo “hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod” (MARCOS 10:45). Magiging tulad din natin ang pananaw Niya “sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin” (FILIPOS 2:5,7 ASD).
Sa ating pakikisalamuha, hindi lang ang sariling kapakanan ang isipin natin kundi ang kapakanan din ng iba (TAL. 4).