Tuwing Sabado, pinapanood namin ang aming anak sa kanyang sinalihang kompetisyon sa pagtakbo. Pagkatapos ng laro, magsasama-sama na ang mga manlalaro, ang mga tagapagsanay nila at ang kanilang mga pamilya. Napakaraming tao ang naroon kaya mahihirapan ang sinuman kapag may hahanapin itong tao. Hinahanap naman naming mabuti ang aming anak na siyang dahilan ng panonood namin ng kompetisyong iyon. Sabik na kaming mayakap siya.
Pagkatapos naman ng 70 taong pagkakabihag sa Babilonia, bumalik ang mga Judio sa Jerusalem at Juda. Inilarawan ni Isaias sa kanyang aklat kung gaano kamahal ng Dios ang mga Judio at kung ano ang ginawa ng Dios na paghahanda sa pagsalubong Niya sa kanilang pagbabalik. Tinawag sila ng Dios na Kanyang piniling bayan. Pinatotohanan Niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng bagong tawag, ‘Hinanap’ at ‘Lunsod na hindi pinabayaan’ ( ISAIAS 62:12). Hinanap ng Dios ang Kanyang bayan mula sa Babilonia upang manumbalik sa Kanya.
Tulad ng mga Judio, tayong lahat na nagtitiwala kay Jesus ay itinuturing Niyang mga anak na lubos Niyang minamahal. Kahit na nahiwalay tayo sa Dios dahil sa ating mga kasalanan, sinakripisyo ni Jesus ang Kanyang buhay para tayo’y manumbalik sa Kanya. Hinanap Niya rin tayo at nasasabik na yakapin ng Kanyang mapagmahal na bisig.