May isinulat si John Newton tungkol sa pagtulong sa mga taong nangangailangan. Ipinaparating niya sa kanyang isinulat na kahit gusto niyang gumawa ng mga dakilang bagay, hindi pa rin niya dapat kalimutan ang simpleng pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.
Sa panahon ngayon, hindi na mahirap humanap ng mga taong maaaring tulungan. Kahit saan ay makakakita ka ng tinderang hirap na hirap sa paghahanapbuhay, isang taong walang sariling tahanan, isang inang nawawalan ng pag-asa dahil walang makatuwang sa pagpapalaki sa anak, isang matandang iniisip na hindi na siya kapaki-pakinabang, at iba pa.
Ano kaya ang puwede nating gawin? Sabi ni Haring David sa Awit 41, “Mapalad ang taong nagmamalasakit sa mga mahihirap” (TAL. 1 ASD). Hindi man natin lubusang mababago ang kalagayan ng mga nakakasalamuha natin, maaari natin silang tulungan kahit sa simpleng paraan.
Maaari nating iparamdam na may malasakit tayo kahit sa mga taong mapang-abuso. Maaari din tayong makinig sa kanilang mga hinaing sa buhay at higit sa lahat, maaari natin silang ipanalangin na siyang pinakamabuting magagawa natin para sa iba.
Alalahanin natin ang sinabi ni Jesus, “mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap” (GAWA 20:35 ASD). Hindi tayo lugi kung tayo’y nagbibigay dahil higit itong makakapagpasaya sa atin. Lagi nating pagmalasakitan ang mga nangangailangan.