Sumali ang asawa ko sa paligsahan ng pagtakbo. Iyon ang unang pagkakataon niyang sumali. Nang malapit na niyang marating ang hangganan, nanghina siya. Uminom siya ng tubig at umupo muna sa damuhan para magpahinga. Ilang sandali lang ay hindi na siya makatayo. Susuko na sana siya sa pagtakbo nang may dumaang dalawang guro na kasali rin sa paligsahan. Hindi sila kilala ng aking asawa pero inalok nila ang asawa ko kung gusto niyang sumabay sa kanila. Biglang nanumbalik ang lakas ng asawa ko. Muli siyang tumakbo at natapos niya ang paligsahan kasama ang dalawang guro.
Maihahalintulad ang dalawang guro kina Aaron at Hur. Tinulungan nila si Moises na pinuno ng mga Israelita nang lusubin sila ng kanilang mga kaaway (EXODO 17:8-13). Nananalo sila sa tuwing itinataas ni Moises ang kanyang hawak na tungkod. Nang magsimula nang mapagod at mangalay si Moises, tinulungan siya nina Aaron at Hur upang itaas ang kanyang mga braso hanggang matapos ang labanan at manalo sila (TAL. 11-12).
Hindi hinahayaan ng Dios na mag-isa tayo sa pagsunod sa Kanya. Binibigyan Niya tayo ng mga makakasama at makakatulong upang malampasan natin ang mga pagsubok habang ginagawa natin ang nais Niya para sa atin.