Habang nakadungaw sa bintana, nakikita ko ang pagsabay ng mga puno sa ihip ng hangin, ang masaganang bukid ng aking kapitbahay at ang maaliwalas na langit. Naririnig ko rin ang masayang paghuni ng mga ibon.
Nasisiyahan ako dahil parang nasa paraiso ako noong mga panahong iyon. Nasira lang dahil sa walang tigil na ingay ng mga sasakyan at dinagdagan pa ng pananakit ng aking likod.
Napakaganda ng mundo noong hindi pa nagkakasala sina Adan at Eba. Pero nang magkasala sila, hindi na ito kasing ganda ng dati. Pinalayas sila sa paraiso at sinumpa ang lupa (TINGNAN ANG GENESIS 3). Simula noon, ang mundo at ang lahat ng naroon ay nakatakdang masira at mawasak. Ang mga paghihirap, karamdaman, at kamatayan ay bunga ng pagkakasala ng tao (ROMA 8:18-23).
Pero darating ang panahon na babaguhin ng Dios ang lahat ng bagay. Isang bagong langit at bagong lupa ang magiging tahanan ng Dios kasama ang lahat ng nagtiwala sa Kanya (PAHAYAG 21:1-3). Doon ay “wala nang kamatayan, kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan” (TALATANG 4 ASD). Habang hinihintay natin ang araw na iyon, masiyahan nawa tayo sa mga magagandang nilikha ng Dios na patikim lamang ng mas magandang paraiso na darating.