Noong 2002, namatay ang kapatid kong si Martha at ang kanyang asawa dahil sa aksidente. Makalipas ang ilang buwan, sinabi ng kaibigan ko na dumalo ako sa isang programa sa aming simbahan. Tatalakayin doon kung paano mas mabilis na matatanggap ang pagkamatay ng mga mahal sa buhay. Napilitan akong dumalo sa unang araw ng programa pero balak ko na pagkatapos noon ay hindi na ako babalik. Sa pagdalo ko roon sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang pagmamalasakit ng mga tulad kong nawalan ng mahal sa buhay. Nakita ko rin kung paano sila umaasa sa tulong ng Dios at sa bawat isa. Dahil doon, nagpatuloy ako sa pagdalo.
Ang pagkamatay naman ni Esteban na isang lingkod ng Dios ay nagdulot ng matinding pagkabigla at pagkalungkot sa mga sumasampalataya kay Jesus noong panahong iyon (GAWA 7:57-60). Inilibing pa rin nila si Esteban sa kabila ng matinding pag-uusig na hinaharap ng mga mananampalataya. Lubos nilang pinagluksa ang ‘di inaasahang pagkamatay ni Esteban (8:2).
Hindi hinahayaan ng Dios na mag-isa tayong magluksa at malumbay sa pagkawala ng ating mahal sa buhay. Matutunan nawa nating magpakita ng pagmamahal at pagdamay sa iba na nalulungkot at nagluluksa. At dahil sa dinadamayan natin ang isa’t isa, lumalago ang ating pang-unawa at kapayapaan na nagmumula kay Jesus.