Naramdaman ni Tham Dashu na tila may kulang sa buhay niya. Kaya, pumunta siya sa pagtitipon ng mga sumasampalataya kay Jesus kung saan dumadalo ang kanyang anak. Hindi sila magkasabay na pumupunta roon dahil mayroon silang hindi pagkakaunawaan na mag-ama. Kaya naman malayo ang loob nila sa isa’t isa. Pumapasok si Tham kapag nagsisimula na ang pag-awit ng papuri sa Dios at lumalabas agad kapag tapos na ang pagpapahayag ng Salita ng Dios.
Matiyagang ipinapahayag kay Tham ng mga mananampalataya doon ang tungkol sa pagliligtas ni Jesus sa kaparusahan sa kasalanan. Pero hindi pa rin siya nagtitiwala kay Jesus. Gayon pa man, patuloy pa rin si Tham sa pagdalo sa pagtitipon.
Nagkaroon ng malubhang sakit si Tham. Kaya, binigyan siya ng sulat ng kanyang anak. Nakasaad doon kung paano binago ng Dios ang buhay ng anak ni Tham at ang pagsusumamo nito na magkaayos silang mag-ama. Nang gabing iyon, nagtiwala si Tham kay Jesus. Nagkapatawaran din sila at naging maayos muli ang relasyon nila. Makalipas ang ilang araw, namatay si Tham. Gayon pa man, nasa piling na siya ni Jesus at may lubos na kapayapaan.
Sinabi naman ni apostol Pablo na ipahayag sa mga tao ang tungkol sa pagmamahal at pagpapatawad ng Dios (2 COR. 5:11). Sinabi rin niya na ang pag-ibig ni Cristo ang nag-uudyok sa mga mananampalataya para ipahayag ang pag-aayos ng Dios sa nasira nating relasyon sa Kanya (TAL.14).
Ang pagnanais natin na patawarin ang iba ay magiging daan para mailapit natin sila kay Cristo (TAL. 19).