Habang pinag-uusapan ang pelikulang The Lord of the Rings, sinabi ng isang kabataan na mas gusto niyang binabasa ang mga kuwento sa libro kaysa panoorin ito sa sinehan. Nang tanungin ang kabataang iyon kung bakit, sinabi niya, “Maaari kasi akong manatili sa isang bahagi ng kuwento at basahin ito ng basahin hangga’t gusto ko.” May magandang epekto ang pagbubulay-bulay sa isang aklat, lalo na sa Biblia, na parang ikaw mismo ang nasa kuwentong iyon.
Mababasa naman natin sa Hebreo 11 ng Biblia ang listahan ng 19 ng mga tao na nagtitiwala sa Dios. Kahit sila’y nagalinlangan at nahirapan, nagpasya pa rin silang sumunod sa Dios. “Silang lahat ay namatay na may pananampalataya sa Dios. Hindi nila nakamtan ang mga ipinangako ng Dios, ngunit natanaw nila iyon mula sa malayo. Kinilala nilang sila'y mga dayuhan lamang at nangingibangbayan dito sa lupa” (TAL. 13 MBB).
Minsan, nagmamadali tayong magbasa ng Biblia at hindi napagbubulayan ang nilalaman ng ating nabasa. Ang pagiging abala natin sa ating mga gawain ang umaagaw ng oras natin upang mas makapag-aral tayo ng Salita ng Dios. Kung maglalaan tayo ng sapat na panahon sa pagbabasa ng Biblia, parang nararanasan natin ang mga pangyayari sa mga taong nagpasyang umasa sa katapatan ng Dios.