Napangiti ako habang tinatanggal ko ang isang pirasong papel na nakalagay sa bagong bili kong damit na panlamig. May nabasa kasi akong babala: “Nanaisin mo na lumabas at manatili sa malamig na lugar habang suot mo ang damit na ito.” Kapag may suot tayong damit na akma sa tamang panahon, siguradong makakatagal tayo kahit hindi maganda ang panahon.
May mababasa naman tayo sa Biblia na kasuotan na akma sa lahat ng panahon para sa mga sumasampalataya kay Jesus. Ibinibigay ito ng Dios para mamumuhay nang ayon sa nais Niya ang mga mananampalataya. Sinabi sa Biblia, “Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong [magsuot ng katangian tulad ng] pagmamalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis…magpatawaran kayo, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon” (COL. 3:12-13 ASD).
Ang mga katangiang iyon na dapat nating isuot ang siyang tutulong sa atin para matuto tayong unawain ang iba, magpatawad, at magmahal. Magiging matatag din tayo sa panahon na humaharap tayo sa pagsubok.
Sa tuwing daranas tayo ng mga pagsubok sa ating buhay, ang mga inilaang “kasuotan” ng Dios para sa atin ang tutulong sa atin upang malampasan ang mga ito. “At higit sa lahat, magmahalan kayo, dahil ito ang magdudulot ng tunay na pagkakaisa” (TAL. 14 ASD).
Ang pagsusuot ng katangian na nais ng Dios ay hindi magpapabago sa anumang pangyayari. Pero magdudulot ito para maging handa tayo sa pagharap sa mga pagsubok.