Nalulong sa pinagbabawal na gamot ang aming anak. Kung may magsasabi sa akin na gagamitin ng Dios ang pagsubok na pinagdaraanan ko para makatulong sa ibang pamilya, mahirap para sa akin ang maniwala. Hindi madaling tanggapin ang sinasabi ng iba kung tayo mismo ang nakakaranas ng pagsubok. Kahit na alam kong kumikilos ang Dios para gawing maganda ang mga pinagdaraanan nating pangit na sitwasyon.
Hindi rin inaasahan ni Tomas na apostol ni Jesus na may magandang epekto ang kamatayan ng Panginoong Jesus. Hindi kasama si Tomas ng ibang alagad ni Jesus nang masaksihan nila ang muling pagkabuhay na muli. Kaya naman nasabi ni Tomas, “Hindi ako maniniwala hanggaʼt hindi ko nakikita ang mga sugat ng pagkakapako sa mga kamay niya at mahipo ang mga ito, pati na ang sugat sa kanyang tagiliran” (JUAN 20:25 ASD). Pero nawala ang pagdududa ni Tomas nang makita niyang muli si Jesus. Sinabi ni Tomas, “Panginoon ko at Dios ko!” (TAL. 28). Ang sinabing ito ni Tomas ay nagpapahayag ng kanyang pagtitiwala kay Jesus. Tumatag ding muli ang kanyang pananampalataya. Makakahikayat din naman ito sa ibang mananampalataya na patuloy na magtiwala kay Jesus.
May kakayahan ang Dios na patatagin ang ating pananampalataya lalo na sa mga mahihirap na sitwasyon na maaaring makatulong sa iba. Makakaasa tayo sa Kanyang katapan. Walang imposible sa Dios.