May nahukay ang mga arkeologo na isang lumang pantatak ng hari sa may Jerusalem. Matagal pa bago nila nadiskubre kung gaano iyon kahalaga nang suriin iyon ng isang dalubhasa. Pag-aari pala ng dating hari ng Juda na si Hezekias ang halos 3,000 libong taong gulang na pantatak na iyon.
Makikita sa gitna ng pantatak ang hugis araw na may dalawang pakpak. Pinaniniwalaan ng mga nakadiskubre sa pantatak na sinimulang gamitin iyon ni Haring Hezekias bilang simbolo ng pagiingat sa kanya ng Dios pagkatapos siyang pagalingin sa napakalubha niyang karamdaman (ISAIAS 38:1-8). Nagsumamo si Hezekias sa Dios na siya’y pagalingin, at dininig ng Dios ang kanyang panalangin. Binigyan rin siya ng Dios ng tanda na tutuparin ng Dios ang ipinangako Niya. Sinabi ng Dios, “Pababalikin Ko ng sampung guhit ang anino ng araw” (TAL. 8 ASD).
Ang pantatak na iyon ni Hezekias ay magandang paalala para sa atin na matuto ring tumawag sa Dios tulad ng mga tauhan sa Biblia. Nagpapalakas ng ating loob ang katotohanang dinirinig ng Dios ang ating mga panalangin. Kahit na ang sagot ng Dios sa panalangin nati’y hindi ayon sa inaasahan natin, makatitiyak tayo na mahabagin at makapangyarihan Siya. Ang Dios na siyang nagpapakilos sa araw ang siya ring kumikilos sa ating buhay.