Isang uri ng malaking isda ang big browns. Alam ng mga mahuhusay na mangingisda kapag mangingitlog na ang mga ito. Sa panahong iyon, sinisikap ng mga mangingisda na hindi maistorbo ang mga isda. Iniiwasan nilang lumakad malapit sa pangingitlugan. Hindi rin sila namimingwit ng mga isdang ito kahit alam nilang madali nila itong mahuhuli. Nagpapahinga lang kasi sa panahong iyon ang mga isda.
Bahagi ng wasto at responsableng pangingisda ang mga ginagawang iyon ng mga mangingisda. Pero bukod doon, may mas malalim at mas maganda pang dahilan.
Sa Biblia, binibigyang-diin na ibinigay ng Dios sa atin ang mundo (GENESIS 1:28-30). Ibinigay Niya ito para magamit natin. Pero tandaan natin na dapat natin itong gamitin nang may pagmamahal at pagmamalasakit.
Namamangha ako sa mga nilikha ng Dios tulad ng mga isdang big browns at iba pang mga hayop. Minamahal ko ang lahat ng nilikha Niya dahil ibinigay Niya ang mga ito sa akin para sa aking ikasisiya. Ibinigay ng Dios ang mga ito dahil sa Kanyang pagmamahal.
Aking pangangalagaan ang minamahal kong mga nilikha ng Dios.