Pagkalipat ng mga kaibigan ko sa kanilang bagong bahay, nagtanim sila ng wisteria. Isa itong uri ng halaman na namumulaklak. Pagkalipas ng maraming taong pag-aalaga sa halaman, namatay ito. Nakasipsip kasi ang mga ugat nito ng kemikal. Pagkaraan ng isang taon, nagulat sila nang may umusbong sa lupa kung saan inakala nilang namatay ang halaman.
Mababasa naman sa Biblia na inihahalintulad sa mga puno ang mga Israelita noong panahon ni Propeta Jeremias. Ang mga sumusunod sa Dios ay tulad sa punong gumagapang ang mga ugat sa tabi ng tubig at namumunga (JEREMIAS 17:8). Pero ang sumusunod sa sarili nilang kagustuhan ay tulad naman sa maliit na puno sa disyerto (TAL. 5-6). Hinahangad ni Jeremias na magtiwala ang mga Israelita sa tunay at nagiisang Dios. Sa gayon, magiging tulad sila sa puno na “itinanim sa tabi ng tubig” (TAL. 8)
Kung tayo’y mga puno, ang Dios naman ang ating hardinero (JUAN 15:1). Dahil Siya ang nangangalaga sa atin, mapagkakatiwalaan natin Siya at lubos na maaasahan (JEREMIAS 17:7). Sa ating pagsunod sa Dios nang buong puso, tayo ay magkakaroon ng magandang bunga na mananatili magpakailanman.