Isa sa mga paborito kong karakter na nilikha ni Charles Schulz ay makikita sa kanyang libro tungkol sa mga kabataan sa simbahan. Ito ay ang kabataang lalaki na may hawak na Biblia habang kausap sa telepono ang kanyang kaibigan. Sinabi nito sa kaibigan, “Sa tingin ko’y nagawa ko na ang isa sa mga unang hakbang sa pagtuklas ng misteryo ng Lumang Tipan ng Biblia...sinisimulan ko na itong basahin.”
Sa Awit 119, ninanais naman ng sumulat na maunawaan at maranasan ang Salita ng Dios sa bawat araw. Sabi niya, “O, mahal na mahal ko ang Iyong kautusan! Ito’y siya kong binulay-bulay sa buong araw (TAL. 97). Dahil sa hangarin niyang ito, mas lalo niyang mauunawaan ang Salita ng Dios at mas magkakaroon siya ng pagnanais na sundin ang Dios (TAL. 98-100).
Walang ibinibigay ang Biblia na madaling paraan para maunawaan ito. Hindi ito basta makukuha sa pagbabasa lang. Nangangailangan ito ng pagtugon sa nabasa. Bagamat may mga hindi tayo maintindihan, maaari nating pagtuunan ng pansin ang mga katotohanang nauunawaan natin at masabi sa Panginoon na, “Kay tamis ng Inyong mga salita, ito’y mas matamis pa kaysa sa pulot sa aking panlasa. Sa pamamagitan ng Inyong mga tuntunin, lumalawak ang aking pang-unawa, kaya kinamumuhian ko ang gawang masama” (TAL. 103-104 ASD).
Kamangha-mangha ang mga matutuklasan natin sa pagbubulay-bulay natin ng Salita ng Dios.