Ang sabi ni Jane Yolen sa kanyang isinulat na sanaysay na Working Up to Anon, “Ang pinakamagagaling na manunulat ay iyong mga hindi ibinubunyag na sila ang sumulat ng isang akda. Para sa kanila, ang kuwento ang mahalaga at hindi ang sumulat nito.”
Ang kuwento naman na ipinapahayag ng mga sumasampalataya kay Jesus ay tungkol sa pag-aalay ng buhay ng Panginoong Jesus para sa lahat. Nabubuhay ang mga mananampalataya para kay Jesus at para ipadama rin ang Kanyang pagmamahal sa iba.
Inilalarawan sa Roma 12:3-21 ang pagpapakumbaba at pag-ibig na dapat makita sa pakikipag-ugnayan natin sa bawat isa bilang mga sumasampalataya kay Jesus. “Huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Dios sa bawat isa sa inyo…Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo” (TAL. 3,10 MBB).
Hindi natin mapapahalagahan ang kakayahan ng iba kung masyado nating ipinagmamalaki ang mga nagawa na natin. Maaari itong makasira sa atin.
Sinabi ni Juan na nagbabautismo na siyang naghanda sa pagparito ni Jesus, “Kinakailangang Siya ang maging dakila at ako nama’y maging mababa” (JUAN 3:30 MBB).
Ito ang magandang maging layunin nating lahat.