Pumunta kami ng asawa ko noon sa isang kilalang museo sa Paris. Pag-uwi namin ng bahay, agad naming tinawagan ang aming apo na si Addie. Ikinuwento namin na aming nakita ang sikat na obra ni Leonardo da Vinci na Mona Lisa. Tanong ni Addie, “Nakangiti ba si Mona Lisa?”
Ito ang laging itinatanong kapag pinag-uusapan ang obrang iyon. Mahigit 600 taon na mula nang iguhit ito ni da Vinci, pero hanggang ngayon, palaisipan pa rin kung nakangiti ba si Mona Lisa o hindi.
Bahagi na ng misteryo ng obrang iyon ang ngiti, pero mahalaga nga ba ito? Binanggit ba ang pagngiti sa Biblia? Halos 5 beses lang itong binanggit doon at walang sinasabi na ang pagngiti ay isang bagay na dapat nating gawin. Pero 250 beses naman binanggit ang tungkol sa kagalakan na maaaring magdulot sa atin para ngumiti. Ito ang ilang halimbawa sa Biblia: “Ang aking puso ay nagagalak” (AWIT 28:7); “Magalak kayo sa Panginoon” kapag aawit para sa Kanya (AWIT 33:1); ang mga utos ng Dios ay kagalakan sa puso (119:111); at mapupuno tayo ng kagalakan dahil sa mga dakilang bagay na ginawa ng Dios (126:3). Kung kaya naman, lubos tayong hinihikayat ng Biblia na laging magalak.
Tunay ngang nagdudulot ng ngiti sa ating mga labi ang kagalakang nagmumula sa lahat ng ginawa ng Dios para sa atin.