Noong Oktubre 1915, habang nagaganap ang unang digmaang pandaigdig, dumating si Oswald Chambers sa isang kampo ng militar malapit sa Cairo, Egypt. Pumunta siya roon para maging pastor ng mga sundalo. Nagdaos siya ng pagtitipon na pinuntahan ng 400 sundalo. Kinalaunan, isa-isa niyang kinausap ang mga sundalo para palakasin ang kanilang loob. Binanggit niya sa kanila ang Lucas 11:13, “Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa mga anak n’yo, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay Niya ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa Kanya” (ASD).
Binibigyan naman tayo ng Dios ng kapatawaran, pag-asa at gabay ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ni Jesus. “Ang lahat ng humihingi ay nakakatanggap; ang naghahanap ay nakakakita; at ang kumakatok ay pinagbubuksan” (TAL. 10 ASD).
Noong Nobyembre 15, 1917, nagkasakit at namatay si Oswald Chambers. Nais parangalan si Oswald ng isang sundalong sumampalataya kay Jesus. Bumili ang sundalo ng hugis Bibliang gawa sa marmol at inilagay sa tabi ng puntod ni Oswald. Nakaukit doon ang mga salitang, “Gaano pa kaya ang inyong Ama sa langit na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa Kanya?”
Maaari nating matanggap ngayon ang Banal na Espiritu na ibinibigay ng Dios.