Gumagawa ng lagayan ng mga palaso ang aking ama. Inuukitan niya ito ng mga larawan ng mga hayop. Pinanood ko siya minsan kung paano niya ginagawa ang mga iyon. Kitang-kita ko kung gaano siya kaingat sa pag-uukit. Ang resulta, napakaganda ng mga nagawa niya.
Lubos akong humanga sa mga ginawa ng aking ama. Naisip ko tuloy na madalas na hindi ko man lang napapapurihan ang Dios sa pagiging malikhain Niya. Makikita ang pagiging malikhain ng Dios sa ibang tao at maging sa aking sarili. Naisip ko rin ang sinabi ni David na ang Dios ang humubog sa ating pagkatao at nakakamangha ang pagkagawa Niya sa atin (AWIT 139:13-14).
Purihin natin ang ating Manlilikha sa Kanyang kamangha-manghang mga ginawa (TAL. 14). Dahil isa tayo sa mga kamangha-manghang ginawa ng Dios, mahihikayat tayong pahalagahan ang ating mga sarili at ang ibang tao. Alalahanin natin na kilalang kilala tayo ng ating Manlilikha at itinakda na Niya ang mga araw na mabubuhay tayo bago pa man ito mangyari (TALATANG 15-16).
Tulad ng mga magagandang ginawa ng aking malikhaing ama, maganda at mahalaga ang bawat isa sa atin dahil nilikha tayo ng Dios. Nilikha Niya ang bawat isa sa atin na natatangi at may layunin para maipakita ang Kanyang kaluwalhatian.