Inimbitahan ako noon ng kaibigan ko sa pagtitipon nilang mga sumasampalataya kay Jesus. Sa pagkakataong iyon, pinaawit ang isang kantang gusto ko. Kinanta ko ito nang may buong kasiyahan.
Nang matapos na ang kanta, sinabi sa akin ng asawa ng kaibigan ko, “Ang lakas ng pagkakakanta mo.” Dahil doon, hininaan ko na ang boses ko sa susunod na kanta at lagi kong binabantayan kung may nakatingin ba sa akin.
Pero minsan sa isang pagtitipon, napansin ko ang pag-awit ng babae sa tabi ko. Buong galak siya sa pagkanta na para bang hindi niya alintana ang nasa paligid niya. Sa pangyayaring iyon, naalala ko ang pagsamba ni David sa Dios. Sinabi ni David na dapat umawit ang buong mundo nang may kagalakan (AWIT 98:4).
Sinasabi pa sa Awit 98 na dapat tayong umawit sa Dios nang may buong galak dahil “gumawa Siya ng mga kahangahangang bagay” (TAL. 1 asd). Mababasa rin sa kabanatang ito ang pag-alala ni David sa katapatan, kahabagan at pagliligtas ng Dios. Kung pagbubulayan natin kung sino ang Dios at ang Kanyang ginawa para sa atin, mapupuno ang ating mga puso ng pagpupuri.
Anong mga kamangha-manghang bagay ang ginawa ng Dios sa buhay mo? Alalahanin at pasalamatan natin ang Dios sa mga kamangha-manghang ginawa Niya. Umawit tayo nang buong galak para sa Dios.