Minsan, isang pulis ang tinanong kung ano ang katungkulan nito sa kanilang lugar. Kahit mataas ang kanyang posisyon, hindi niya ito ipinagmalaki. Sinabi niya, “Mga tao kaming naglilingkod sa kapwa na dumaranas ng krisis sa buhay.”
pwa na dumaranas ng krisis sa buhay.” Nagpakita ng kapakumbabaan ang pulis. Kahit mataas ang katungkulan niya, itinuring niyang kapantay lang din siya ng iba. Ipinaalala nito sa akin ang mga sinabi ni Pedro sa mga sumasampalataya kay Jesus na dumaranas noon ng pag-uusig. Sinabi ni Pedro, “Dapat magkaisa kayo sa isip at damdamin, at magdamayan...Maging maunawain at mapagpakumbaba kayo sa isa’t isa” (1 PEDRO 3:8). Marahil, nais iparating ni Pedro na tumulong sa kapwa habang nasa isip na pantay-pantay tayong lahat. Parang ganoon ang ginawa ng Dios, isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Jesus at naging taong tulad natin para iligtas tayo (FILIPOS 2:7).
Dahil makasalanan tayo, maaaring may pagkakataon na hinahamak natin ang ating pagiging tao. Pero sa halip na hamakin ang pagiging tao natin, tumulong na lang tayo sa ating kapwa. Itinuturo sa atin ni Jesus kung paano mamuhay bilang tao. Itinuturo Niya na maglingkod tayo sa isa’t isa na itinuturing na pantay-pantay ang lahat. Nilikha tayo ng Dios bilang tao na kawangis Niya at iniligtas dahil sa Kanyang lubos na pagmamahal.
Nakakasalamuha tayo ngayon ng mga taong may iba’t ibang hinaharap na problema. Napakaganda kung magtutulungan tayo bilang mga tao na nagpapakumbaba sa isa’t isa.