May naimbentong kasuotan na kapag isinuot mo, pakiramdam mo’y naging matanda ka. Lalabo ang paningin mo, hihina ang pandinig at babagal ang pagkilos mo. Layunin ng kasuotang ito na tulungan ang mga nag-aalaga ng matatanda na mas maintindihan ang kanilang mga inaalagaan. May sinabi naman ang manunulat na si Geoffrey Fowler matapos niyang maranasang isuot ang kasuotang iyon. Sinabi niya, “Naintindihan ko na ngayon ang pakiramdam na maging isang matanda. Pero higit kong natutunan kung paanong uunawain at dadamayan ang iba."
Ang dumamay sa iba ay paglalagay ng sarili sa mismong kalagayan ng ating kapwa. Noong panahong pinahihirapan ang mga sumasampalataya kay Jesus, hinikayat ng manunulat ng Hebreo ang kapwa niya mananampalataya na patuloy na damayan ang mga nasa bilangguan na parang sila rin ay nakabilanggong kasama nila (HEBREO 13:3).
Iyon mismo ang ginawa sa atin ng Panginoong Jesus. Dinamayan Niya tayo at naging tao Siyang tulad natin. Inialay Niya ang Kanyang buhay para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng tao (HEB. 2:17). “At dahil nakaranas Siya mismo ng paghihirap nang tinukso Siya, matutulungan Niya ang mga dumaranas ng tukso” ( TAL. 18 asd).
Nais ni Jesus na damayan natin ang ating kapwa sa oras ng kanilang pangangailangan na para bang iyon din mismo ang ating nararanasang sitwasyon.