Sa kathang kuwento tungkol sa manok at baboy, pinaguusapan nila na magtayo ng isang kainan. Iminungkahi ng manok na isama sa ihahain nila ang porkchop, sinangag at itlog o mas kilala sa tawag na porksilog. Pero hindi pumayag ang baboy. Sinabi nito, “Ayaw ko! Kung buong tapat kong susundin ‘yan, buhay ko ang kailangan kong ibigay. Samantalang ikaw, itlog lang ang ibibigay mo.
Lubos na naunawaan ng baboy ang tungkol sa pagsunod kaya umayaw siya. Natutunan ko naman na dapat nauunawaan ko rin ang tungkol sa aking pagsunod sa Dios. Dapat sumunod ako nang buong tapat sa Kanya.
Si Asa naman na hari ng Juda ay hindi naging tapat sa Dios. Umasa siya sa tulong ni Ben-Hadad na hari ng Aram sa halip na sa Dios. Para kumampi si Ben-Hadad sa kanya laban sa Israel, pinadalhan niya ito ng mga pilak at ginto na pag-aari ng Dios (2 CRONICA 16:2).
Tinawag na mangmang ni propeta Hanani si Haring Asa. Hindi kasi sa Dios humingi ng tulong si Asa kahit alam niyang tinulungan sila noon ng Dios na talunin ang iba nilang kaaway. Sa iba siya umasa. Sinabi ni Hanani, “Nakatingin ang Panginoon sa buong mundo para palakasin ang mga taong matapat sa Kanya” (TAL. 9 ASD).
Lagi nating alalahanin na ang Dios ang pinakamatapat nating kakampi sa anumang pagsubok na ating haharapin. Palalakasin Niya tayo kung buong tapat tayong susunod sa Kanya.